|
||||||||
|
||
Pinagtibay kahapon ng UN General Assembly ang resolusyon hinggil sa isyu ng Ukraine.
Ayon sa resolusyon, pinaninindigan ng UN General Assembly ang pangako nito sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Ukraine. Hinihimok nito ang iba't ibang panig na mapayapang lutasin ang krisis sa Ukraine sa pamamagitan ng direktang diyalogong pulitikal.
Sinabi rin ng resolusyon na walang bisa ang reperendum na idinaos noong ika-16 ng buwang ito sa Autonomous Republic of Crimea at lunsod ng Sevastopol.
Bumoto ng boto ng pagsang-ayon sa resolusyong ito ang isang daang bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, at iba pa. Bumoto naman ng pagtutol ang 11 bansa na gaya ng Rusya, Cuba, Hilagang Korea, Venezuela, at iba pa. Nag-abstain naman ang 58 bansa na kinabibilangan ng Tsina, Brazil, Indya, Timog Aprika, Uzbekistan, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |