Idinaos kahapon sa Paris, Pransya ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.
Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Francois Hollande ng Pransya. Binigyan nila ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pranses nitong 50 taong nakalipas. Kapwa sila umaasang mapapalalim ng dalawang bansa ang estratehikong kooperasyon, para ibayo pang mapaunlad ang kanilang relasyon. Umaasa rin silang mapapalakas ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang pagkakaunawaan at pagtutulungan, para maisakatuparan ang komong pangarap ng Tsina at Pransya.
Salin: Liu Kai