Nagpalabas ng pahayag ngayong araw ang Malaysia Airlines na nagsasabing ang kasalukuyang pangunahing tungkulin nila ay pagkakalooban ng lubos na pagkatig sa abot ng makakaya ang mga kamag-anakan ng pasahero at tauhan ng nawawalang flight MH370.
Anang pahayag, ipinangako na ng Malaysia Airlines na kung makikita ang labi ng eroplano, tutulungan nila ang mga kamag-anakan na pumunta sa Perth, Australya.
Samantala, nanawagan ang Malaysia Airlines sa mass media na maging responsable sa kanilang pababalita at huwag dagdagan ang kalungkutan at kasiphayuan ng mga kamag-anak.