Sa paanyaya ng Korber Foundation ng Alemanya, nagtalumpati kahapon ng hapon sa Berlin si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag niyang igigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad.
Sinabi ni Xi na ang paghahanap ng kapayapaan at harmonya ay nasa dugo ng mga mamamayang Tsino, at ang paggigiit sa mapayapang pag-unlad ay dahil sa tradisyon ng nasyong Tsino na mapagmamahal sa kapayapaan. Aniya pa, may kompiyansa ang Tsina na isakatuparan ang sariling mga target sa pamamagitan ng mapayapang pag-unlad.
Dagdag pa ni Xi, umaasa rin ang Tsina na tatahak ang lahat ng mga bansa ng daigdig sa landas ng mapayapang pag-unlad.