Ipinatalastas kahapon ng Sekretaryat ng China ASEAN Expo (CAEXPO), na bilang bahagi ng ekspong ito sa kasalukuyang taon, idaraos mula ika-29 ng Mayo hanggang unang araw ng Hunyo ng taong ito sa Nanning, ang kauna-unahang eksibisyong pangkultura ng Tsina at ASEAN.
Ang eksibisyong ito ay naglalayong itatag ang bagong plataporma ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ASEAN. Ang tradisyonal at kasalukuyang kultura ng Tsina at mga bansang ASEAN, mga mapanlikhang bagay sa kultura, cartoon, comics at games, at industriya ng media at paglalathala ay magiging mga tema ng naturang eksibisyon.