Sa kabila ng mga kahirapan, patuloy pa rin ngayon ang paghahanap ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa rehiyong pandagat sa katimugan ng Indian Ocean. Pero, naisaayos kahapon ang lugar na pinaghahanapan, na halos 1100 kilometro pahilagang-silangan sa kasalukuyang lugar.
Ipinahayag ng Malaysia na ginawa ang pagbabagong ito batay sa resulta ng muling pag-aanalisa ng mga tagapagsiyasat ng bansang ito, Amerika, Britanya, at Tsina sa mga satellite data na ipinagkaloob ng International Maritime Satellite Organization, at pag-aanalisa rin ng Boeing Company, tagayari ng MH370, sa flight record ng eroplanong ito.
Samantala, nakunan kahapon ng mga satellite ng Hapon at Thailand ng mga larawan ang mga bagay sa katimugan ng Indian Ocean na posibleng mga labi ng MH370. Ipinagkaloob na ang mga larawang ito sa Australya, namumunong bansa sa kasalukuyang paghahanap, para ibayo pang analisahin.