|
||||||||
|
||
Patuloy pa rin ang paghahanap ng panig Tsino sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines na naglululan ng mahigit 150 pasarehong Tsino.
Nakita kahapon ng mga eroplano ng hukbong panghimpapawid ng Tsina ang tatlong labi sa sonang pandagat na bagong itinakda ng Australia para nahapin ang nawawalang eroplano. Samantala pumunta sa lugar na ito ang mga bapor ng Tsina para suriin kung ang naturang mga labi ay nabibilang sa nawawalang eroplano.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Tony Abbott, Punong Ministro ng Australia na patuloy na magsisikap ang kanyang bansa para hanapin ang nawawalang flight MH370.
Ayon pa sa ulat ng Australian Maritime Safety Authority (AMSA), hindi pa nila natutuklasan ang mga labi ng nawawalang eroplano.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |