Nanawagan ngayong araw sa Amerika si Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na huwag magpalabas ng di-responsableng pananalita hinggil sa isyu ng South China Sea, at huwag suportahan ang probokatibo at mapanganib na aksyon ng Pilipinas.
Nauna rito, sinabi kahapon ng pangalawang tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na ang pagharang ng Tsina sa bapor ng Pilipinas na patungong Ren'ai Reef ay probokasyon at aksyong magdudulot ng di-katatagan. Hinimok din aniya ng Amerika ang Tsina na pahintulutan ang pagpapanatili ng Pilipinas ng ekstensiya sa naturang reef.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na di mapabubulaan ang sobernya ng Tsina sa Ren'ai Reef, at ang kasalukuyang mga aksyon ng Pilipinas ay tangkang ilegal na sakupin ang naturang reef.
Salin: Liu Kai