Ayon sa isang internal file ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Estados Unidos, sa pagsasaalang-alang sa patuloy na paglala ng relasyon ng Amerika at Rusya na dulot ng krisis ng Ukraine, sususpendihin ng NASA ang lahat ng pakikipagkooperasyong pangkalawakan sa Rusya, liban sa kanilang kooperasyon sa international space station. Ang naturang internal file ay isinapubliko kahapon ng Spaceref, American space news website.
Noong isang buwan, paulit-ulit na ipinahayag ni Charlie Bolden, Puno ng NASA, na ang maigting na relasyon ng Amerika at Rusya ay hindi makakaapekto sa operasyon ng international space station.
Salin: Li Feng