Kinumpirma kamakailan ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika na pinalawak nito ang listahan ng mga suspek sa digmaang mapanalakay ng Hapon na pinagbabawalang pumasok sa Amerika. 35 suspek ngayon ang nasa listahang ito.
Ayon sa nabanggit na kagawaran, ang naturang mga suspek ay pinaghihinalaang gumawa ng war crime mula noong 1931 hanggang 1945, na gaya ng paglahok sa Nanjing Massacre, pagpipilit ng mga babae na naging "comfort women," pagsasagawa ng eksperimento ng bakterya sa mga buhay pang tao, at iba pa.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang aksyong ito ng panig Amerikano ay isa pang babala sa maling kamulatan sa kasaysayan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.