Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chairman Felipe de Leon Jr. ng NCCA dumalo sa pagbubukas ng 2014 ASEAN China Cultural Exchange Year sa Beijing

(GMT+08:00) 2014-04-08 16:22:09       CRI

Kasama ang mga Ministro ng Kultura ng sampung bansa kabilang sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, dumalo si Chairman Felipe de Leon Jr. ng National Commission for Culture and the Arts sa pagbubukas ng 2014 ASEAN-China Cultural Exchange Year sa Beijing.

Sinalubong ni Secretary General Ma Mingqiang ang mga opisyal sa ASEAN China Center at inilibot sa sentro habang ikinukwento ang kasaysayan at mga adhikain nito.

Sa ASEAN China Center ipinakita ang mga intangible cultural heritage ng Tsina tulad ng mga root carvings ni Zonghe Zhang, banhua o pinta ng naukit na kahoy at hulu o pag ukit ng debuho sa bottle gourd.

Tumugtog din ang ilang mga ethnic musicians para ipakita ang mayamang kabihasnan ng iba't ibang lahing Tsino.

Bilang reaksyon sa napanood na pagtatanghal sinabi ni Prof. de Leon na ang pagtatanghal ng mga etniko ay isang magandang paraan para ilabas ang mga cultural genius ng bawat pangkat na etniko. Ito'y pinakamalinaw na naipapahayag sa sining. At kapag ito'y malinaw na nauunawaan ito ang tanging pundasyon ng pag-unlad.

Hinggil sa Taon ng Pagpapalitang Kultural sa Pagitan ng ASEAN at Tsina ayon kay Chairman de Leon, "Kailangang pagtibayin ang pagpapakilala sa bawat isa, ang lahat ng kakanyahan o uniqueness at distinctiveness ng bawat kultura ay kailangang ipakilala sa bawat isa. At the same time kung ano ang commonalities, yung shared heritage. Kasi ang pinakamatibay na batayan ng relasyon ay kung ano ang common sa lahat, shared heritage, shares origin, shared traits, shared purposes sa buhay importante yan. "

Ulat ni Mac Ramos at Wang Le

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>