Idinaos kahapon ang "Media Leaders' Roundtable" ng taunang pulong ng 2014 Bo-Ao Asian Forum(BAF). Dumalo sa pulong ang mga puno ng 20 media mula sa mga bansa ng Asia, na gaya ng Tsina, Singapore, Timog Korea, India, Australia, Laos, Myanmar, Kambodya at iba pa. Ang tema ng kasalukuyang pagtitipon ay: inobasyon at responsibilidad ng mga digital media.
Ipinalalagay ng mga kalahok na dapat igiit ang prinsipyong "Palakasin ang pagpapayaman bilang priyoridad sa pagunlad ng media," at pahigpitin ang pagtutulungan sa pagitan ng tradisyonal at bagong media para maisakatuparan ang double win. Anila, ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng "silk road economic corridor ng Asya at Europa" at "silk road sa karagatan sa ika-21 siglo," na iniharap ng Tsina ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa pagtutulungan at kaunlaran ng mga media ng Asya. Dapat magsikap ang mga media para itayo ang isang plataporma sa pagpapasulong ng kapayapaan, pagpapalitan at pag-unlad ng rehiyon, dagdag pa nila.
Bilang Tagapangulo ng roundtable, ipinalalagay ni Wang Gengnian, Presidente ng China International Broadcasting Network(CIBN), na ang reporma ng bagong media ay nababatay sa internet na may lulang pakikisalamuha at pagtutulungan sa pagitan ng broadcasting, TV, pahayagan, magasin at mobile media.