Binuksan kamakalawa dito sa Beijing ang Taon ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at ASEAN sa 2014 na nilahukan ng mga mataas na opisyal mula sa Ministring Kultural ng 10 bansang ASEAN. Sa pagbisita sa Sentro ng Tsina at ASEAN, sunud-sunod na ipinahayag ng naturang mga opisyal na sa pamamagitan ng naturang aktibidad,higit pang mapapalakas ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN, at lalo pang mapapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig. Ang kooperasyong kultural na ng Tsina at ASEAN ay magbibigay ng positibong puwersa para sa kapayapaan at pag-unlad ng kapuwa panig.
Ang Taon ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at ASEAN sa 2014 ay isang matagumpay na modelo ng pagpapalitang pangkaibigan ng dalawang panig. Mainit na tinatanggap ang aktibidad na ito ng mga mamamayan ng dalawang panig.
Salin:Sarah