Sinabi kahapon sa Beijing ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulan ng Tsina, na ang Hapon ay dapat maging responsable sa kasalukuyang malubhang kahirapan sa relasyong Sino-Hapones. Umaasa aniya siyang makakapaghunos-dili ang Amerika sa harap ng aksyon ng Hapon at mapipigilan ito.
Winika ito ni Chang sa kanyang pakikipagtagpo kay Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika. Bilang tugon sa mga pagsasanay-militar ng Tsina noong 2013, sinabi ni Chang na ang naturang mga pagsasanay ay hindi nakatuon sa anumang bansa o rehiyon.
Salin: Andrea