Kinumpirma kahapon ng Pentagon na nakatakdang pumasok ngayong araw sa Black Sea ang USS Donald Cook missile destroyer ng hukbong pandagat ng Amerika, para lumahok sa isang magkakasanib na pagsasanay militar.
Ito ang isa pang aksyong ginawa ng Amerika pagkaraang lumala pa ang kalagayan ng Ukraine. Ipinahayag ng Pentagon na ang aksyong ito ay naglalayong maipakita ang kahandaan ng Amerika na pangalagaan ang seguridad sa rehiyon ng Black Sea.
Bilang tugon dito, binigyang-diin naman ng Rusya na may maliwanag na tadhana sa pandaigdig na kombensyon hinggil sa laki ng mga bapor pandigma ng mga bansang hindi kabilang sa rehiyon ng Black Sea na nakatalaga sa karagatang ito, at hinggil sa tagal din ng pagtatalaga. Anang Rusya, ilang beses na pinalugitan ng Amerika ang tagal ng pagtatalaga ng mga bapor pandigma nito sa Black Sea, at ito ay hindi angkop sa nabanggit na tadhana.
Salin: Liu Kai