|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na matatag ang pundasyon ng paglaki ng pambansang kabuhayan, kaya aniya may sustenableng puwersa ang kabuhayang Tsino para mapanatiling mabilis ang paglaki ng kabuhayan sa hinaharap.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Boao Forum for Asia sa Haikou ng lalawigang Hainan ng Tsina, ipinahayag ni Li na ang kasalukuyang kahilingan ng makro-kontrol sa kabuhayan ay pagpapanatili ng takbo ng pambansang kabuhayan sa isang maayos na interbal. Ito rin aniya ang target ng mga patakaran sa intermediate at mahabang panahon.
Ang paksa ng kasalukuyang porum ay ang paghahanap ng bagong puwersa ng paglaki. Inilahad ni Li ang tatlong paraan para rito na gaya ng reporma, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |