Kaugnay ng talumpating binigkas kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia, ipinalalagay ni Sounthone Khanthavong, Puno ng Pathet Lao News Agency, na lubos na mahalaga ang sinabi ni Li na dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang bansang Asyano para makalikha ng isang mainam na kapaligiran. Aniya, kung walang ganitong kapaligiran, hindi posible ang pag-uugnayan, pag-uunawaan, at komong pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Dagdag pa ni Khanthavong, bukod sa paglikha ng mainam na kapaligiran, mahalaga rin para sa mga bansang Asyano ang mapayapang pakikipamuhayan at pag-aalis ng mga hidwaan.
Salin: Liu Kai