Sa kanyang talumpati kahapon sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa kasalukuyan, mainam sa kabuuan ang takbo ng kabuhyang Tsino.
Sinabi ni Li na pumasok na ang kabuhayang Tsino sa bagong yugto ng pagpapataas ng kalidad. Aniya, hindi lamang dapat pagtagumpayan ng Tsina ang mga pansamantalang kahirapan sa kabuhayan, kundi rin dapat magsikap para sa pangmatalagang pag-unlad ng kabuhayan.
Binigyang-diin din niyang dapat magkakasamang magsikap ang mga bansang Asyano para maisakatuparan ang sarili at komong pag-unlad.
Salin: Liu Kai