Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng Bo'ao Forum For Asia (BFA), ipinahayag kahapon ni Tan Yan, director ng Cambodia National Television na mahalaga ang katuturan ng talumpati na binigkas ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 2014 BFA.
Sinabi ni Tan Yan na nabanggit ni Premyer Li na ang itinakdang target ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito ay 7.5%. Siyentipiko at makatuwiran aniya ang numerong ito, lalo pa't, nagharap siya ng maraming konkretong na hakbanging tulad ng pagiging mas bukas, ibayo pang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa hanap-buhay para sa mga kabataan. Nananalig aniya siyang magkakaloob ito ng mas malaking puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang Tsino, dagdag pa ni Tan.