|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Tony Abbott ng Australya.
Sa pagtatagpo, pinasalamatan ni Xi ang Australya sa pagkatig at pagbibigay-tulong nito sa paglahok ng panig Tsino sa paghahanap ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Aniya pa, patuloy at buong lakas na lalahok ang Tsina sa natuwang gawain at pananatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Australya.
Ipinaalam naman ni Abbott kay Xi ang pinakahuling pag-unlad ng paghahanap ng MH370. Nakahanda aniya ang Australya na palakasin ang koordinasyon nila ng Tsina sa gawaing ito.
Samantala, sa isang aktibidad nang araw ring iyon sa Shanghai, sinabi ni Abbott na ang paghahanap ng MH370 ay magiging pinakamahirap sa kasaysayan, dahil ang black box at mga labi ng eroplano aniya ay posibleng nasa lugar na halos 4.5 kilometro sa ilalim ng dagat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |