Ipininid kagabi sa Hainan, Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Sa kasalukuyang pulong, inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng ilang bansa ang kahilingan ng mga bansang Asyano para sa komong pag-unlad.
Malalimang tinalakay din sa pulong ang direksyon at lakas na tagapagpasulong sa sustenableng pag-unlad ng Asya sa hinaharap.
Ayon kay Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, sa taong ito, idaraos pa ng BFA ang ilang pulong na may kinalaman sa paksang "bagong kinabukasan ng Asya." Kabilang dito ay pulong hinggil sa sustenableng pag-unlad ng enerhiya at yaman na idaraos sa darating na Setyembre sa Amerika, at pulong hinggil sa kooperasyong pinansyal ng Asya na idaraos sa Oktubre sa Dubai.