Sinabi kahapon ni Pio Lorenzo Batino, Pangalawang Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, na pagkaraan ng walong round ng talastasan, nagkaisa ng palagay ang Pilipinas at Amerika hinggil sa mga pangunahing isyu ng kanilang papalakas na kooperasyong pandepensa.
Ayon kay Batino, sa ikawalong talastasan na natapos nang araw ring iyon sa Maynila, narating ng Pilipinas at Amerika ang burador na kasunduan hinggil sa ilang mahalagang nilalaman. Halimbawa, naigarantiya ang hindi pagtatayo ng tropang Amerikano ng permanenteng base sa Pilipinas at hindi pagdadala nito ng sandatang nuklear sa Pilipinas. Isa pa ay ang access ng tropang Amerikano sa mga pasilidad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nasa kondisyong may imbitasyon ng Pilipinas at lubos na paggalang sa Konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.
Sinabi rin ni Batino na dahil dito, malapit na ang Pilipinas at Amerika sa pagkakaroon ng komprehensibong kasunduan sa kanilang papalakas na kooperasyong pandepensa.