Nag-usap kahapon sa telepono sina Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa kaligaligan sa kasilangan at katimugan ng Ukraine.
Nanawagan si Lavrov sa Amerika na magpataw ng presyur sa kasalukuyang pamahalaan ng Ukraine, para hindi ito gumamit ng dahas sa kasilangan at katimugan ng bansa, at makipagdiyalogo sa mga kinatawan mula sa mga lugar na ito. Tiniyak naman ni Kerry kay Lavrov ang pagsisikap ng Amerika para mapanumbalik ang normal na kalagayan sa Ukraine.
Sa isa pang development, ipinahayag kahapon ni Anders Fogh Rasmussen, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), na palalakasin ng NATO ang depensang militar sa mga kasaping bansa nito na karatig ng Rusya. Nanawagan din siya sa mga kasaping bansa ng NATO na dagdagan ang badyet militar para makakuha ng mga modernong kagamitang militar.