Nagsampa kahapon ang mahigit 500 miyembro ng mga netizens' group mula sa iba't ibang lugar ng Hapon ng kaso sa lokal na hukuman sa Osaka laban kay Punong Ministro Shinzo Abe dahil sa pagbibigay-galang niya noong Disyembre ng nagdaang taon sa Yasukuni Shrine.
Sinabi nilang ang aksyong ito ni Abe ay lumalapastangan sa kanilang karapatang "pamumuhay sa kapayapaan" na itinadhana ng Konstitusyon ng Hapon. Humihiling sila ng kompensasyon para rito, at humihiling din sa hukuman na ipagbawal ang muling pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine sa hinaharap.
Pero, sa kabila ng pagtutol ng mga mamamayang Hapones, nagbigay-galang ngayong araw sa Yasukuni Shrine ang isa pang miyembro ng pamahalaan ni Abe, at siya ay si Yoshitaka Shindo, Ministro ng Suliraning Panloob.