|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng White House, dadalaw sa ika-22 ng kasalukuyang buwan, si Joseph Biden, Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos, sa Kiev, kabisera ng Ukraine.
Anang pahayag, tatalakayin nina Biden at mga opisyal ng Ukraine ang hinggil sa kung paano gagamitin ang puwersa ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang katatagang ekonomiko ng Ukraine. Isasagawa rin ng dalawang panig ang pagsasanggunian hinggil sa reporma sa konstitusyon ng Ukraine, gagawing pambansang halalan sa susunod na buwan, at iba pang isyu. Anito pa, ang naturang biyahe ni Biden ay nagpapakita ng "malakas" na pagkatig ng Amerika sa Ukraine.
Ayon pa sa ulat, sinabi kagabi ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na kung gagamitin ng "kasalukuyang rehimen ng Kiev" ang dahas sa dakong timog silangan ng Ukraine, mapipinsala nito ang prospek ng kooperasyon kaugnay ng isyu ng Ukraine, na kinabibilangan ng pagdaraos ng pagtatagpo ng apat (4) na panig (Rusya, Amerika, Unyong Europeo, at Ukraine).
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |