Binuksan kaninang umaga ang Five Nuclear Weapons States Beijing Conference. Ang pulong na ito ay ika-5 serye ng pulong na idinaos ng limang (5) bansang mayroong sandatang nuklear na kinabibilangan ng Tsina, Estados Unidos, Rusya, Britanya, at Pransya, at ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na itinaguyod ng panig Tsino ang ganitong pulong.
Sa seremonya ng pagbubukas, iniharap ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang palagay ng panig Tsino sa pagpapalakas ng pagsasaayos sa mga suliraning nuklear sa buong daigdig. Aniya, una, ang pagsasakatuparan ng unibersal na seguridad ay pundamental na hangarin ng nuclear field of global governance; ikalawa, dapat palalimin ng naturang 5 bansa ang estratehikong pagtitiwalaan, at palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan; ikatlo, dapat lubusang patingkarin ang nukleong papel ng UN, Conference on Disarmament in Geneva, International Atomic Energy Agency, at iba pa; ikaapat, sa pundasyon ng pantay na pagtalakayan, at paggigiit ng prinsipyo ng pagsasanggunian, dapat balanseng pasulungin ang nuclear disarmament, di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear, at mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear.
Salin: Li Feng