Pagkaraan ng ika-4 na estratehikong diyalogo sa antas ng Ministrong Panlabas ng Tsina at Alemanya, magkasamang nakipagtagpo ang Ministrong Panlabas ng dalawang bansa sa mga mamamahayag.
Sa kanyang pagsagot sa tanong hinggil sa situwasyon ng mga kapitbansa, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na unang una, mabuti sa kabuuan ang relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nito, at walang humpay na lumalalim ang kanilang kooperasyon. Aniya, ang pag-unlad ng Tsina ay nakakapagbigay ng napakalaking pagkakataon at benepisyo sa mga kapitbansa nito. Samantala, matatag sa kabuuan ang situwasyon sa Silangang Asya, at ang Silangang Asya ay nananatiling rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad at pinakamalaking potensiyal ng pag-unlad sa buong daigdig.
Salin: Li Feng