Nilagdaan kamakailan ng pitong stock exchange mula sa anim na bansa ng ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand, Biyetnam, at Indonesya, ang kasunduan hinggil sa pagtatakda ng "ASEAN Stars" index. Ito ay kauna-unahang nag-iisang stock index ng ASEAN, at bubuuin ito ng 180 pinakamainitang tinatangkilik na stock ng naturang anim na bansa. Tatlumpung (30) stock ang magmumula sa bawat bansa.
Ang pagtatakda ng ASEAN Stars ay mahalagang hakbang tungo sa integrasyon ng capital market ng ASEAN, na isang pangunahing bahagi ng ASEAN Economic Community na nakatakdang itatag sa susunod na taon. Sa pamamagitan ng indeks na ito, mas magiging malinaw sa mga mamumuhunan ang pangkalahatang kalagayan ng stock market at kabuhayan ng ASEAN.
Salin: Liu Kai