Idinaos kahapon sa Seoul, Timog Korea, ang 2014 International Forum for the Trilateral Cooperation ng Tsina, Hapon at T.Korea. Ang tema ng porum na ito ay "The Unity in Diversity - Fostering East Asian Identity and Spirit of Community."
Aminado ang mga kalahok, na sa kasalukuyan, ang may problemang relasyong pulitikal ng Tsina, Hapon, at T.Korea ay nakakaapekto sa kanilang kooperasyon. Anila, para mapatingkad ng nasabing tatlong bansa ang mas malaking papel sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig, dapat isagawa ang kooperasyon sa diwa ng tumpak na pakikitungo sa kasaysayan at aktibong pagharap sa kinabukasan. Nanawagan din sila sa mga pamahalaan ng tatlong bansa na lutasin ang mga pagkakaiba at hidwaan, sa pamamagitan ng diyalogo.
Salin: Liu Kai