Ipininid kahapon sa Beijing ang dalawang araw na pulong ng limang bansang may sandatang nuklear na kinabibilangan ng Tsina, Pransya, Rusya, Britanya, at Amerika.
Sa magkakasanib na pahayag na ipinalabas sa pulong, muling binigyang-diin ng nasabing limang bansa ang kahalagahan ng Treaty on Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT). Nagpahayag din sila ng pagkatig sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear, sa kondisyong susundin ang mga obligasyon ng NPT.
Muli din nilang ng ipinangako na unti-unting isasakatuparan ang lubusang pagsasagawa ng disarmamentong nuklear.
Salin: Liu Kai