Ayon sa datos na ipinalabas ngayong araw ng National Bureau of Statistics(STATS) ng Tsina, ayon sa inisyal na datos, noong unang kuwarter ng taong ito, umabot na sa mahigit 12.8 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina. Ito ay lumaki ng 7.4% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Subalit, ito ay bumaba ng 0.3% kumpara noong nakaraang kuwarter.
Ayon kay Shen Laiyun, Tagapagsalita ng STATS ang naturang datos ay nagpapakita ng matatag at mabuti ng pagtakbo ng pambansang kabuhayan ng Tsina sa unang kuwarter ng taong 2014. Aniya pa, bagama't nananatiling masalimuot ang kapaligirang panlabas, sa susunod, igigiit ng Tsina ang siyentipikong pagsasaayos sa estrukturang ekonomiko at ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, sa tulong ng pagpapaunlad ng kabuhayan.