Rescue operation na isinagawa kagabi
Lumubog kahapon ng umaga sa karagatang malapit sa gawing Timog-Kanluran ng Peninsula ng Korea ang "Sewol," passenger ferry ng Timog Korea. Ang naturang bapor ay may lulang 462 katao na kinabibilangan ng mahigit 300 estudyenteng mula sa Danwon High School para sa kanilang spring excursion sa Jeju. Hanggang kabagi, di-pa nakikita ang 284 na katao.
Sumapi sa rescue operation ang mga barko ng hukbong pandagat ng Timog Korea at USS Bonhomme Richard ng Amerika, na nagpapatrolya sa Yellow Sea.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw ang dahilan ng naturang insidente. Siyam na tripulante na kinabibilangan ng kapitan ang iniimbestigahan na ng Kapulisan.
Ayon sa Embahada ng Tsina sa Timog Korea, walang mamamayang Tsino sa naturang ferry.