Ipinahayag kamakailan ng pamahalaan ng Brunei, na sa kabila ng pagigiging isa sa 12 miyembrong bansa sa talastasan hinggil sa Trans-Pacific Strategic Economic Partnership Agreement(TPP), hindi yuyukod ang Brunei sa anumang presyur na makakasama sa interes ng bansa.
Anito, ang pangangalaga sa interes ng mga katamtamang-laki at maliliit na bahay-kalakal ay nagsisilbing paunang kondisyon ng Brunei sa nasabing talastasan, at may ilang larangang pangkabuhayan na hindi bubukasan sa mga bansang dayuhan.