|
||||||||
|
||
Si Hishammuddin Hussein, umaaktong Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia
Sa preskong idinaos kahapon, sinabi ni Hishammuddin Hussein, umaaktong Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na patuloy na gagamitin ang mga pinakasulong na teknolohiya para sa paghahanap, sa ilalim ng dagat, sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sinabi ni Hishammuddin na ang mga video information na nakuha ng underwater drone Bluefin-21 ng Australya ay nakakapagpakita ng kalagayan sa ilalim ng dagat, at dapat patuloy na gamitin ang ganitong pinakasulong na teknolohiya. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, dapat isagawa ang kooperasyon ng iba't ibang bansa para mas epektibong maideploy ang lakas para sa paghahanap.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |