Pinarating kahapon sa Perth, Australya, ang 400 litro ng engine oil na ipinagkaloob ng panig militar ng Tsina, bilang suplay sa mga eroplanong Tsino na kalahok sa paghahanap ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Samantala, nakipagtagpo kahapon sa Kuala Lumpur si Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia kay Hu Chunhua, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Pinasalamatan ni Razak ang Tsina sa malaking pagkatig nito sa paghawak ng Malaysia ng insidente ng MH370. Ipinahayag naman ni Hu na patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa Malaysia para sa paghahanap sa nawawalang eroplano.
Sa isa pang may kinalamang ulat, sinimulan na kaninang umaga ng underwater drone Bluefin-21 ng Australya ang ikapitong beses na pagsisid para sa paghahanap sa MH370. Wala itong natuklasan sa nakalipas na anim na pagsisid.