Kaugnay ng sinabi kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na ginagamit ng Tsina ang lakas para baguhin ang status quo sa East China Sea at South China Sea, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalitang ito ni Abe ay naglalayong hikayatin ang ikatlong bansa para labanan ang Tsina.
Sinabi ni Hua na walang isinagawang probokasyon ng Tsina sa East China Sea at South China Sea at wala ring ginawa para baguhin ang status quo doon. Dagdag pa niya, bilang pagsasa-alang-alang sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, laging nagtitimpi ang Tsina at nagsisikap para makontrol at malutas ang mga may kinalamang hidwaan sa pamamagitan ng talastasan.