Kinondena kahapon ng Rusya ang pagpapalabas ng Amerika ng bantang magpapataw ng bagong sangsyon laban sa Rusya.
Sinabi ni Dmitry Peskov, Presidential Spokesman ng Rusya, na narating kamakailan ng Amerika, Unyong Europeo, Rusya at Ukraine ang dokumento hinggil sa pagpapahupa ng tensyon sa Ukraine, pero sa sandaling ito, ipinatalastas naman ng Amerika na gumagawa ito ng bagong plano ng pagpapataw ng sangsyon laban sa Rusya. Anang tagapagsalita, ang aksyong ito ng Amerika ay di-makakabuti sa atmospera ng diyalogo hinggil sa isyu ng Ukraine, at hindi ito matatanggap ng Rusya.