|
||||||||
|
||
Sa isang panayam, kahapon sa Pambansang Telebisyon ng Iran (IRIB), ipinahayag ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng bansa, na idaraos sa susunod na buwan sa New York, ang bagong round ng talastasan ng mga dalubhasa para patuloy na talakayin ang kinauukulang isyung panteknolohiya. Ang nasabing talastasan ay idaraos sa pagitan ng Iran at anim na may-kinalamang bansa sa isyung nuklear ng una.
Dagdag pa niya, ang delegasyon ng Iran sa naturang talastasan ay pamumunuan pa rin ni Hamid Baeedinejad, Pangalawang Ministrong Panlabas ng bansang ito. Ngunit hindi niya isiniwalat ang mas maraming detalye.
Ipinahayag naman nang araw ring iyon ni Ali Akbar Salehi, Tagapangulo ng Atomic Energy Organization ng Iran, na isasagawa muli ng kanyang bansa ang disenyo sa Arlac Heavy Water Reactor para pababain nang malaki ang output ng plutonium. Hanggang sa ngayon, ito ang isang malaking kompromiso na ginawa ng Iran sa talastasang nuklear, aniya pa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |