|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Kiev, kabisera ng Ukraine, ni Pangalawang Pangulong Joseph Biden ng Amerika na magkakaloob ang kanyang bansa ng 50 milyong dolyares na tulong sa Ukraine para tulungan ang pag-unlad ng bansang ito sa iba't ibang larangan.
Nang araw ring iyon, magkahiwalay na nakipag-usap si Biden kina Nanunuparang Pangulong Oleksander Turchynov ng Ukraine at Punong Ministro Arseniy Yatsenyuk ng bansang ito.
Sinabi ni Biden na hinding hindi kikilalanin ng Amerika ang di-umano'y iligal na pagsakop ng Rusya sa Crimea.
Bukod dito, sinabi rin ni Biden na tinutulungan ng kanyang bansa ang paglutas ng Ukraine sa isyu ng pagsuplay ng enerhiya.
Sinabi rin ni Arseniy Yatsenyuk na umaasa ang Ukraine na magsasagawa ng malawak na kooperasyon sa mga bansang Europeo at Amerika para lutasin ang problema ng malaking pag-asa sa enerihiya ng Rusya.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |