Kaugnay ng Ika-20 Pagsasanggunian ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN, ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinalalagay ng mga kalahok na opisyal na nakakapagbigay ang relasyong Sino-ASEAN ng mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito. Samantala, ipinahayag aniya ng panig Tsino na ang ASEAN ay preperensyal na direksyon ng peripheral diplomacy ng Tsina, at kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya.
Dagdag pa ni Qin, lubos na pinapurihan ng mga kalahok ang mainam na pag-unlad ng tunguhin ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Li Feng