Kahapon, sa regular na preskon, ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng Tsina na ilagay ang Diaoyu Islands sa listahan ng lugar na saklaw ng Japan US Security Treaty. Ipinahayag rin ni Qin Gang na dapat mahigpit na sundin ng E.U. ang pangako nito na walang kakampihan sa kinauukulang isyu ng teritoryo at soberaniya.
Tinukoy ni Qin Gang na ang aliyansa ng Hapon at E.U. ay bilateral na kapasiyahan na binuo sa panahon ng Cold War, ito ay hindi maaaring makapinsala sa soberaniya ng teritoryo ng Tsina at legal na karapatan ng Tsina.
Salin:Sarah