Sinabi kagabi ni Hishammuddin Hussein, umaaktong Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na sang-ayon ang pamahalaan ng kanyang bansa na buuin ang isang pandaigdig na grupong tagapagsiyasat, para imbestigahan ang sanhi ng pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Dagdag ni Hussein, ang imbestigasyon ng grupong ito ay ihihiwalay sa imbestigasyong kriminal na pinamumunuan ng panig pulisya ng Malaysia.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Azharuddin Abdul Rahman, Direktor Heneral ng Department of Civil Aviation ng Malaysia, na isinumite na ng kanyang departamento sa International Civil Aviation Organization ang inisyal na ulat hinggil sa naturang aksidente. Pero aniya, hindi pa ipinasiya ng panig Malaysiyano kung isasapubliko o hindi ang ulat na ito.
Salin: Liu Kai