Kaugnay ng kahandaan ng Fatah at Hamas, dalawang pangunahing paksyong pulitikal ng Palestina, na bumuo ng Koalisyon, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinatanggap at binabati ng kanyang bansa ang natamong bungang ito ng panig Palestino.
Dagdag niya, ang pagkakaroon ng rekonsilyasyon sa loob ng Palestina ay makakatulong sa paglutas ng isyu ng Palestina at Israel, at dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang pagkatig sa talastasang pangkapayapaan ng dalawang bansang ito.
Nauna rito, ipinatalastas kahapon ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina na narating ng kanyang pinamumunuang Fatah at ng Hamas ang Kasunduan ng Rekonsilyasyon. Napagkasunduan ng dalawang panig na bumuo ng Pamahalaan sa loob ng susunod na limang linggo.
Salin: Liu Kai