|
||||||||
|
||
Nagbitiw kaninang umaga si Chung Hong-won sa kanyang tungkulin bilang Punong Ministro ng Timog Korea para akuin ang responsibilidad sa insidente ng paglubog ng bapor na nagresulta sa pagkasawi ng 187 pasahero at pagkawala ng 115.
Bukod dito, ipinahayag niya ang pakikidalamhati sa mga nasawi at paghingi ng paumanhin sa mga kamag-anak ng mga nasawi at nawawala.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang nahahanap na pasaherong nakaligtas sa naturang bapor na lumubog noong ika-16 ng Abril sa karagatan ng Jindo Island.
Sinabi ni Chung na naganap ang mga problema sa gawaing panaklolo sa nasabing insidente, kaya dapat aniya siyang maging responsable sa insidenteng ito.
Umaasa aniya siyang iwawasto ang mga kamalian sa naturang insidente para mapigilang muling maganap ang trahedya sa hinaharap.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |