Dumating kahapon sa Malaysiya si Pangulong Barack Obama ng Amerika para isagawa ang tatlong araw na pagdalaw doon. Siya rin ang kauna-unahang nanunungkulang Pangulong Amerikano na dumalaw sa Malaysiya sapul noong 1966.
Sa kanyang pananatili roon, mag-uusap sina Obama at Punong Ministro Najib Razak ng Malaysiya hinggil sa kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag ni Rebecca Fatima Sta. Maria, Secretary General ng Ministri ng Pandaigdigang Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na ibayo pang tatalakayin ng Malaysia at Amerika ang hinggil sa Trans-Pacific Partnership Agreement.
Bukod dito, magpapalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa industriya, edukasyon at seguridad para ibayo pang pahigpitin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.