Sinabi kahapon sa Bucuresti ng Romania ni Martin Schulz, Ispiker ng Parliamento ng Europa na sumusuporta siya sa pagsagawa ng Unyong Europeo ng sangsyon sa Rusya. Ngunit ang naturang mga sangsyon ay magdudulot ng mga negatibong epekto sa mga bansang Europeo.
Aniya pa, bago isinagawa ang mahigpit na sangsyon sa Rusya, dapat hinanap muna ang solusyon sa paraang diplomatiko. Bukod dito, ipinalalagay niyang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang pagkakataon sa paglutas ng mga hidwaan sa pagitan ng Rusya at EU sa paraang diplomatiko.