Ipinahayag kahapon ni Min Kyong-Wook, Tagapagsalita ng Palasyong pampanguluhan ng Timog Korea, na pinagtibay na ni Pangulong Park Geun-hye ang pagbibitiw sa tungkulin ni Punong Ministrong Chung Hong-won. Dahil ang kasalukuyang priyoridad ay ang paghahanap sa mga pasahero ng lumubog na bapor na Sewol, kaya, matatanggap ng Pangulong T.Korea ang kanyang liham ng pagbibitiw pagkatapos ng mga gawain.
Isang pangkagipitang presko ang ipinatawag ni Chung Hong-won nang araw ring iyon upang ipatalastas na siya ang responsible sa insidenteng ito, at magbibitiw siya sa tungkulin.