Sinabi kahapon ni Sigrid Kaag, Espesyal na Tapagkoordina ng Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) at United Nations (UN) na mayroon pang halos 10% chemical weapon ang hindi pa nailalabas ng Syria.
Dagdag pa niya, 7.5% hanggang 8% pa ng mga chemical weapon ng Pamahalaang Syria ang hindi pa nailalabas ng bansa. Dahil sa kadahilanang panseguidad sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga naturang chemical weapon, hindi pa mailabas ng bansa ang mga ito, aniya pa.
Aniya pa, tatlot-kaapat ng mga naiwang chemical weapon ay kailangang ilabas ng Syria at ang iba naman ay sisirain sa lokalidad.