Idinaos kagabi sa Beijing ang seremonya ng pagsisimula ng Taon ng Timog Aprika sa Tsina. Ayon sa ahenda, itataguyod sa taong 2014 ng Timog Aprika ang mahigit 50 aktibidad hinggil sa kabuhayan, kalakalan, kultura, turismo, at edukasyon,para palalimin ang pagkaunawa ng mga mamamayang Tsino sa Timog Aprika at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa naturang mga larangan.
Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Liu Jianchao, Asistente ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang naturang aktibidad ay komprehensibong magpapasulong ng pagpapalagayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Espesyal na Sugo ng Timog Aprika na si Matjila na ang naturang aktibidad ay ibayo pang magpapalalim ng pagkaunawa ng mga mamamayang Tsino sa kanyang bansa. ito rin aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng dalawang bansa sa kabuhayan, edukasyon, kultura at lipunan.