|
||||||||
|
||
Sa Daegu, Timog Korea — Ipininid kahapon ang dalawang araw na Ika-16 na Pulong ng mga Ministro ng Kapaligiran ng Tsina, Hapon, at Timog Korea. Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran ng kani-kanilang bansa, at isyung pangkapaligiran sa rehiyon at buong daigdig.
Pinakinggan sa pulong ang ulat hinggil sa kalagayan ng pagtaya sa pagsasakatuparan ng plano ng magkakasanib na aksyon ng kooperasyong pangkapaligiran ng naturang tatlong bansa.
Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Li Ganjie, Pangalawang Ministro ng Kapaligiran ng Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |